UMAASA ang Palasyo na mahaharang ng missile interceptor ni Uncle Sam ang pinakakawalang thermonuclear warheads ng North Korea para hindi tumama sa Filipinas.
Ngunit inilinaw ni Dense Secretary Delfin Lorenzana, hindi nila hiniling sa US at Japan na bigyan tayo ng missile interceptor.
Inamin ni Lorenzana, kulang sa kapabilidad ang gobyerno para bigyan proteksiyon ang mga Filipino laban sa armas nukleyar ng North Korea. “We have not asked the United States or Japan. But the US has already stationed their Patriot missiles in Japan and also in South Korea. Tsaka ‘yung THAAD nila, ‘yung High Altitude to intercept any missiles coming from North Korea. So we hope that ‘yung kuwan nila doon, ‘yung harang nila, maharangan nila ‘yung papunta rito sa atin,” aniya sa press briefing kahapon sa Palasyo kaugnay sa pagbagsak sa Pacific Ocean ng missile na pinakawalan ng North Korea.
Batay sa ulat, ang Terminal High Altitude Area Defence system o THAAD, ang ipinalit sa Patriot air defense, na sinasabing may “perfect record on launches” na may track record na “14 kills out of 14 targets” at inilagay ng US sa Guam at South Korea.
Dahil walang air raid shelters ang Filipinas gaya ng US at Japan, ipinauubaya na lang sa Diyos ni Pangulong Duterte ang kapalaran ng bansa kapag tinamaan ng missiles ng North Korea.
“Unfortunately, wala tayong air raid shelters. At the height of the Cold War, the US marami silang ganyan, underground bunkers. Huge bunkers cement, deep within the earth. Kompleto ng tubig, pagkain that will last them for maybe months, ano. Because they were afraid that there will be exchange of missile, nuclear weapons with the Russians, so meron sila.” Aniya.
“Now, I’m going to tell you what the President said. “Anong magagawa natin?” sabi niya. “Wala naman ta-yong — we cannot shoot the missiles so that it will not come here. Just go, do your daily — what you’re doing regularly,” sabi niya. “Kung oras mo na, oras mo na,” sabi naman niya,” dagdag ng Kalihim.
“So what can we do? We cannot start digging now, digging for air raid shelters. We just pray and hope siguro that the missile will drop somewhere there in Pacific Ocean,” giit niya.
(ROSE NOVENARIO)