GINAMIT ni Sen. Antonio Trillanes ang bantang kudeta sa administrasyong Arroyo sa panghihingi ng kuwarta.
Sa media interview kamakalawa, isiniwalat ni Pangulong Duterte, ang mga deposito sa banko sa ibang bansa ni Trillanes ay hindi pinaabot ng senador sa halagang magiging kuwestiyonable.
Sa ating bansa, kapag umabot sa P500,000 ang pera sa banko ay obligado nang iulat sa Anti-Money laundering Council (AMLC). “E ito money laundering but he has to prove to them…Kasi lahat ng account niya below the amount that would raise the alarm. Marunong talaga ang ano — This is a guy that we spent public — we spent public money for his education and all. And ‘pag mag-junta, mag-coup d’etat, tapos ayan, maghingi,” anang Pangulo.
Dalawang beses nasangkot sa palpak na kudeta laban sa administrasyong Arroyo si Trillanes, una ay noong 2003 Oakwood mutiny at ikalawa ay noong 2007 Manila Peninsula standoff.
May problema rin aniyang kinakaharap si Trillanes hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP) funds kaya binabatikos niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na hindi inaaksiyonan ang mga kaso ng mga kapanalig ng Liberal Party.
“And he has a DAP problem. Believe me, he has. Kaya nga nagtataka ako kay Ombudsman, that’s why I’m criticizing her.
“Why are you so selective?” Wala kaming nakitang dilaw na ini-expose mo. The last victim na ano ninyo diyan sa partisanship was Senator Honasan, Gringo,” anang Pangulo.
ni ROSE NOVENARIO