BINAWIAN ng buhay ang isang Chinese national makaraan mahulog mula sa ika-9 palapag ng isang condominium sa Parañaque City, nitong Linggo.
Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ke Yue Jin, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 6:10 am sa Solemare Park Suites sa Lot 5, Bradco Avenue, Asean Business Park, Brgy. Tambo, ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman, mula sa ika-9 palapag ay bumagsak ang biktima sa ikatlong palapag ng naturang condominium. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung talagang nahulog o tumalon ang naturang dayuhan.
(JAJA GARCIA)