Tuesday , December 24 2024

Teens’ salvage probe ginugulo ng narco-generals

GINUGULO ng narco-generals ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa sunod-sunod na pagpatay sa tatlong kabataan na kagagawan ng mga alaga nilang “uniformed vigilantes.”

Ito ang lumalabas sa biglang paglabas ng PNP ng resulta ng DNA test na nagsasaad na hindi bangkay ni Renaldo “Kulot” de Guzman ang natagpuan sa Gapan, Nueva Ecija noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, hindi “conclusive” ang naturang DNA result lalo na’t postibong kinilala ng mga magulang ang bangkay ni Kulot. Buo at hindi pa naman naaagnas ang bangkay ni Kulot nang makita ng kanyang mga magulang kaya’t nakita nila ang kulugo at peklat na palatandaan sa anak.

“Hindi conclusive ‘yun, positively identified ng parents ang kulugo at peklat. May picture tayo ni Kulot, ‘yun din face kasi ‘di bloated , ‘di pa decomposed,” ani Acosta.

“Parang may nanggugulo na ho sa kasong ito. Sari-sari ang lumalabas pero ang ano ko lang sa ating mga kasama sa media maging maingat po tayo sa paglalabas ng news,” aniya.

Labis din ipinagtaka ni Acosta ang mabilis na resulta ng DNA sa bangkay ni Kulot gayong pangkaraniwan ay matagal ito.
Hindi rin aniya hini-ling ng mga magulang ni Kulot na isailalim sa DNA test ang labi ng anak.

“Ang DNA reliable ‘yan kung ‘yung specimen ay safe specimen. Kapag ho nag-mishandling puwedeng hindi tumatama ang findings. Mga magulang mismo ang nag-identify sa cadaver,” dagdag ni Acosta.

Kaduda-duda rin aniya ang biglang paglu-tang ng taxi driver na si Tomas Bagcal na umano’y hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz na pinaslang ng mga pulis Caloocan.

Sina Arnaiz at Kulot ay magkaibigan na residente sa Cainta, Rizal na magkasamang nawala noong 18 Agosto 2017.
Natagpuan ang bangkay ni Arnaiz sa Caloocan City ilang araw matapos mapatay ng mga pulis-Caloocan ang isa pang kabataan na si Kian delos Santos.

Nauna nang napaulat na matitinong, kabataan, walang masamang record sa paaralan at pamaya-nan at masunuring anak, ang target ng “uniformed-vigilantes” bilang bahagi ng planong destabilisas-yon laban kay Pangulong Duterte.

Kauupo pa lang sa Palasyo ay isiniwalat na ni Duterte na may narco-generals sa PNP, sina police Deputy Director Ge-neral Marcelo Garbo, Vicente Loot na ngayo’y Daanbantayan Mayor, at mga aktibong police ge-nerals na sina Edgardo Tinio, Bernardo Diaz,at Joel Pagdilao.

“Ang yellow… nila Mar ayaw makatanggap ng talo. At alam mo kung sino ‘yung military aide niya ‘nong siya nasa Gabinete panahon ni — si General Garbo. General Garbo, ‘yung isang pina-ngalanan kong involved sa drugs. Kung nanalo si Roxas, kasi b**** hindi niya alam ano nangyari diyan,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa pagharap sa Filipino community sa Singapore.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *