Saturday , November 16 2024

Duterte bumisita muli sa Marawi

SA ikaapat na pagkakataon ay binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City upang alamin ang sitwasyon ng mga tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa Maute terrorist group.

Sa kalatas ng Palasyo, nagtungo si Duterte sa Grand Islamic Mosque, dating kontrolado ng Maute at pinagtaguan ng kanilang mga bihag.

Nagpunta rin ang Pangulo sa Mapandi Bridge at sa main battle area at nakipag-bonding sa mga sundalo bilang pagbibigay ng morale support.

“Saludo ako sa inyo,” anang Pangulo sa mga sundalo kasabay nang pamamahagi ng groceries, watches at mga sigarilyo sa kanila.
“I will not stop you kasi under stress kayo,”aniya. Nangako rin siya na bibigyan ng free trip to Hong Kong ang lahat ng kababaihang tropa ng pamahalaan na nakatalaga sa Marawi.

Sa kanyang talumpati ay nagpasalamat si Duterte sa China sa ipinagkaloob na mga rifle sa mga sundalo.

Kasama ng Pangulo na nagpunta sa Marawi City sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon, AFP chief Eduardo Año, at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Nagbigay-pugay ang Pangulo sa labi ni scout ranger captain Rommel Sandoval na namatay kamakailan sa pakikipaglaban sa mga terorista.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *