Saturday , November 16 2024

Civil war banta ni Digong vs leftists

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mangingiming mag-lunsad ng “civil war” sa bansa kapag nanggulo ang makakaliwang grupo o nagsagawa ng mga hakbang na wawasak sa gobyerno.

Sa panayam ng media sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kamakalawa, inihayag ng Pangulo na hinihintay na lang niya ang isang malaking hakbang ng maka-kaliwang grupo tungo sa rebelyon sa kalunsuran para magkaroon ng karapatan ang puwersa ng pamahalaan na patayin sila.

“You want to destroy it? Fine! So we can start anew. Let us go into spasm. Wala akong problema diyan. Pero kung eternal iyan na dito, ambush dito, ambush doon. Nauubos na iyong sundalo ko pati pulis. Raid ng mga estasyon dito. Kay wala man kayong estas-yon, wala akong magantihan. Pero iyan ang hinihintay ko. Iyan talaga ang hinihintay ko. An overt act to destroy government and I will decide kung hanggang tayo… saan tayo aabot. I am prepared. I do not expect anything but I am prepared for everything,” mensahe ng Pangulo sa maka-kaliwang grupo. Giit ng Pangulo, hahayaan niya ang mga kilos-protesta sa kalunsuran kahit pa magbabaan mula sa bundok ang mga rebelde pero huwag aniya silang magkakamali na magsagawa ng rebelyon kasabay nito dahil hindi siya magdadalawang isip na magdeklara ng martial law.

“They will be treated as criminals. If they surrender, they will be prosecuted. But they… if they choose to fight, then the State has the right to kill them. Simply, they… so with the NPAs. Kasi ang NPA hindi mo na kasi ngayon ma-ano e. Actively, iyong front nila, wala na silang tago-tago. Their meetings are in public. Hinayaan ko lang, sige. Pati iyong legal nila, mga leftist organization, harap-harapan na na-kikipagkita na sila. Sabi ko, “Sige.” Sabi ko, “Hayaan mo.” But do not commit the mistake. Ako, hindi ako nananakot ha. Do not commit the mistake of staging a rebellion. Iyong sabihin mo na there’s a fighting on the streets. I will not hesitate to impose martial law all throughout the country and order the arrest of everybody. Ke may kampo ako o wala. Hindi ako nananakot. Pero gaga-mitin ko talaga ang Armed Forces pati pulis,” anang Pangulo.

“Ayaw ko makipagpatayan but if you do that, I will arrest all of you. All of you, hindi ako nananakot, sinasabi ko lang sa inyo iyan. Huwag kayong magkamali. You can demonstrate sa streets in the coming days. I am ordering the military to stay in the barracks, but be prepared for war. Ang pulis, sabi ko, “Sa estas-yon lang kayo. We’ll just assign a few traffic policemen.” But kung sabihin nila na mag-demonstrate sila gano’n, marami. Okay, fine! Pababain ninyo lahat sa… iyong nasa bukid. I don’t mind. But I will declare that day a holiday. No government time. Stay at home. Mga estudyante, kung gusto ninyong sumali sa ano, you are free,” dagdag niya.

Paliwanag ng Pangulo, bistado niya ang legal fronts ng NPA , pati ang pag-uusap nito’y lantaran na rin ngunit wala aniyang problema sa kanya kung hindi naman sila naghahasik ng kaguluhan, ibang usapan na aniya kapag nagpasimuno sila ng gulo.

“You can have the city. But do not create trouble. Iyan lang talaga ang warning ko. Do not resort to destruction and trouble because I will order the military and the police to go against you. Pagda-ting niyan, ewan ko kung anong mangyari. Then, do not create trouble here. Alam ko iyong mga legal nila na fronts, pati iyong usap — Harap-harapan na. Okay lang iyan. Pero huwag kayong magkamali na magsunog dito, mag-vandalism. I will not accept it. Ang kaharap ninyo baril, sigurado iyan.
Sigurado iyan. Paglabas ng sundalo pati pulis, baril ang kaharap ninyo. And if you want something to happen, let it happen para magkaalaman na ano ba talaga itong bayan natin,” giit niya.

Kamakalawa ay inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na hindi na sila babalik sa hapag ng usapang pangkapayapaan dahil hindi sila pabor sa hirit ni Duterte na magdeklara muna ng ti-gil-putukan ang kilusang komunista bago niya bigyan muli ng go signal ang peace talks.

Naunsyami ang GRP-NDFP peace talks nang magalit ang Pangulo sa direktiba ng CPP sa NPA na paigtingin ang operas-yon kontra sa tropa ng pamahalaan bilang pag-kontra sa idineklarang martial law sa Mindanao bunsod ng Marawi crisis.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *