NAGING ka-buddy ni Sen. Antonio Trillanes IV sa 16 China trips noong administrasyong Aquino ang naglaglag sa mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid sa source, naghahanap ng kakapitan sa gobyernong Aquino ang ka-buddy ni Trillanes sa China trips kaya sinamahan siya para magsilbing “interpreter” ng senador sa backchannel talks sa Beijing hinggil sa Scarborough Shoal.
Ngunit malaking pagkakamali ng senador na pinagkatiwalaan ang ka-buddy dahil ‘nakata-lon’ na sa bakuran ng administrasyong Duterte at ngayo’y nagsu-supply ng mga impormasyon laban sa senador kapalit nang nasungkit niyang puwesto sa gobyerno at pagpapatuloy ng kanyang ‘raket.’ Matatandaan kamakalawa, sinabi ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte na hawak na niya ang mga ebidensiya na magpapatunay na may joint account si Trillanes sa i-lang Chinese nationals sa mga banko sa Hong Kong, Australia, Amerika at Malaysia.
“May mga account iyan na joint. Ang kasama niya, puro Chinese. Tapos paulit-ulit iyong pangayo… pangalan. But it’s in Hong Kong, in Malaysia, then there’s in Australia, and mayroon rin sa United States,” anang Pangulo hinggil kay Trillanes
Inamin ng Pangulo, matagal na niyang hawak ang mga ebidensiya laban sa senador at ang pagsusumikap ni Trillanes na wasakin siya at kanyang pamilya ang magbibigay-daan para isiwalat ang mga hawak niyang alas.
Ipinamigay aniya ni Trillanes ang tinanggap na multi-milyong Disbursement Acceleration Program (DAP) funds sa 200 consultants.
(ROSE NOVENARIO)