Saturday , November 16 2024

Missing PSG sanggang-dikit ng scalawags sa Camanava (Kaklaseng sabit sa KFR nawawala rin)

LUMALALIM ang misteryo sa napaulat na pagkawala ng isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) dahil pareho silang hindi matagpuan hanggang ngayon ng kaklase niyang pulis sa Northern Police District (NPD) na huli niyang kausap noong 24 Agosto.

Batay sa nakalap na impormasyon ng HATAW, huling nakausap ni PO2 Ronnie Belino, 34, kagawad ng Presidential PNP Security Force Unit (PPSFU) sa ilalim ng PSG, ang kaklase niyang si PO2 Demetrio Ramilo noong 23 Agosto bago siya naglahong parang bula noong 24 Agosto.

Nabatid na nag-text si Ramilo kay Belino noong 23 Agosto at niyaya umanong mag-inoman sila.

Hindi umuwi si Belino noong gabi ng 23 Agosto at nagpakita sa kanilang bahay sa 1859 C.M. Recto Ave., Maynila, umaga noong 24 Agosto at napansin ang kanyang pagkabalisa hanggang umalis ng araw na iyon at hindi na bumalik pa. Sa text message kamakalawa sa HATAW, sinabi ni B/Gen Louie Dagoy, commander ng PSG, idineklarang absent without official leave (AWOL) si Belino mula noong 23 Agosto.

“Declared AWOL starting 23 Aug, Status unknown as of this date,” ani Dagoy sa text message.

Nitong 26 Agosto lumabas sa mga pahayagan ang isang ulat na noong 24 Agosto (Huwebes), 4:30 ng hapon, inaresto ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) si PO1 Jomar Regalado Reyes ng Valenzuela City Police sa Mariano Ponce St., Brgy. 135, Bagong Barrio, Caloocan City hinggil sa umano’y pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom.

Unang inihayag ng maybahay ni Reyes na si May Olivia, dinukot ng armadong kalalakihan ang kanyang asawa habang sakay ng kaniyang Toyota Avanza, may pla­kang ZIH-145.

Binundol umano ang kanilang hulihang bahagi ng Avanza ng isang kulay puting L-300 van sa nasabing lugar at nang ihinto ang sasakyan, bumaba ang apat sa limang suspek at tinutukan si Reyes ng baril.

Inutusan umanong sumakay muli sa back seat at isa sa mga suspek ang nagmaneho sa direksiyon patungong EDSA.

Dahil hindi pa tukoy ng Caloocan police kung ‘abduction’ o pag-aresto ang insidente, kumuha sila ng kopya ng closed circuit television (CCTV) camera na makikitang dalawang lalaki ang kumakain sa isang tindahan sa D. Arellano St., Brgy. 135 na biglang umalis nang makitang dumaan na ang inaabangang Avanza.

Sa isa pang kuha ng CCTV, nakita ang isa sa mga lalaki na may hawak na armalite rifle habang nasa tabi ng sasakyan ni Reyes.

Nang dumating sa lugar si May Olivia at dalawa pang kasamang babae ay positibong kinilala ang sasakyan ng mister.

Sinabi sa imbestigador na nakauniporme umano si Reyes noong paalis ng bahay upang mag-duty nang tawagan umano ng isang ‘PO2 Ramilo’ at sinabihan na magkita sila sa isang lugar sa EDSA.

Sinabi ni Chief Insp. Ilustre Mendoza, noon ay Acting Caloocan police chief, maraming lisensiyadong plaka, P106,000 cash, mga patalim at sombrero ang narekober sa inabandonang Avanza ni Reyes.

“Palaisipan sa amin ang biglang pagkawala ni Belino lalo’t ang huling kausap niyang si Ramilo, na ngayon ay missing rin, ay napaugnay ang pangalan kay Reyes na may kasong KFR,” anang kasamahan ni Belino sa PPSFU na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Marami umanong utang si Belino, ayon sa kaanak niya.

Naging pamoso ang Caloocan City, bago ang pagkawala nina Belino at Ramilo, at pagdakip kay Reyes, nang magkasunod na natagpuang patay ang mga teenager na sina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa siyudad, habang si Reynaldo de Guzman, 14-anyos, huling nakasama ni Arnaiz, ay nakitang tadtad ng 30 saksak ang bangkay sa Gapan, Nueva Ecija kamakalawa.

ni ROSE NOVENARIO

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *