Tuesday , December 24 2024

Kabataang matitino target ng ‘uniformed-vigilantes (Bahagi ng destab)

MATITINONG kabataan, walang masamang record sa paaralan at pamayanan at masunuring anak, ang target ng “uniformed-vigilantes” bilang bahagi ng planong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumalabas sa sunod-sunod na pagpatay sa tatlong matitinong kabataan ng mga pulis sa Caloocan City nitong mga nakalipas na linggo. Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta, abogado ng pamilya nina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, kapuna-puna na naganap ang pagpatay sa dalawang kabataan, ilang araw bago ang anibersaryo ng pagpatay kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. noong 21 Agosto.

Ang mga pulis aniyang sangkot sa krimen ay mga PO1 na naging pulis noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nakipagkita kay Pangulong Duterte ang mga magulang ni Arnaiz kahapon sa Malacañang Golf Clubhouse, kasama sina Acosta at Justice Secretray Vitaliano Aguirre II.

Nauna rito’y nakipagpulong din si Pangulong Duterte sa mga magulang ni Kian sa naturang lugar din, kasama si Acosta.

Parehong overseas Filipino worker (OFW) sa Middle east ang mga ina nina Kian at Carl.

Kombinsido si Acosta na nais sirain ng nasa likod ng “uniformed-vigilantes” ang popularidad ni Pangulong Duterte sa hanay ng mga migranteng manggagawa.

Kahapon ay natagpuan ang bangkay ng huling kasama ni Carl na si Reynaldo de Guzman, 14-anyos, sa Gapan, Nueva Ecija, na tadtad ng 30 saksak sa buong katawan.

ni ROSE NOVENARIO

May 30 saksak sa katawan
BINATILYONG KASAMA
NI ARNAIZ NATAGPUANG
PATAY SA NUEVA ECIJA

NATAGPUANG patay at may 30 saksak sa katawan si Reynaldo de Guzman, ang 14-anyos binatilyong kasama ni Carl Angelo Arnaiz (nang gabing siya’y pinaslang) sa Nueva Ecija, nitong Martes.

Positibong kinilala ng kanyang ama ang bangkay ni De Guzman, na ang mukha ay ibinalot sa tape, sa isang funeral parlor sa Gapan City.

Nakompirma ng ama na ang bangkay ay kanyang anak dahil sa marka sa leeg at kulugo sa kaliwang tuhod ng binatilyo.

“Wala silang awang pumatay ng batang nawawala. Tinadtad nila ng saksak,” pahayag ng ina ng biktima.

Sina De Guzman at Arnaiz ay kapwa iniulat na nawawala noong 17 Agosto, makaraan umalis sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal, para bumili ng midnight snacks.

Ang bangkay ni Arnaiz ay natagpuan sa isang funeral parlor sa Caloocan City, 10 araw makaraan iulat na siya ay nawawala.

Siya ay may limang tama ng bala sa katawan at may mga marka at palatandaang siya ay tinortyur, ayon sa autopsy report.

Ayon sa ulat ng mga pulis, tinangkang holdapin ni Arnaiz ang isang taxi driver na agad nag-ulat sa himpilan ng pulisya.

Ngunit nakipagbarilan umano si Arnaiz na kanyang ikinamatay.

EJK COPS KALABOSO
KAY DUTERTE

TINIYAK ni Pangulong Duterte sa mga pamilya nina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang kabataan.

Giit ni Duterte, ipakukulong niya ang mga pulis na sangkot sa EJK kapag napatunayang guilty.

“EJK of course we do not like it. If you are into it, I’ll see to it you will go to jail. Baka ako pa babaril sa iyo,” anang Pangulo sa kanyang speech sa anibersaryo ng Social Security System (SSS).

Inutusan ni Pangulong Duterte si Aguirre na mangasiwa sa pag-iimbestiga ng kaso ni Carl.

“I ordered the Secretary of Justice to take over the investigation of the case. Ang sinabi ko naman we will protect soldiers and policemen no doubt about it but always there should always be the element of performance of duty and you do not kill defenseless persons. I’m sorry but I will pursue the case against policemen and need be they will go to jail,” anang Pangulo.

“Wala ako iniutos patayin mo bata and even the enemy in bended knees it’s not the norm or rule of democracy you saw a lot of it in Serbian war massacring all of people there. I would never condone or allow it,” giit ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *