Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-SMB import gustong maglaro sa Gilas

NAGPAHAYAG ng kagustuhan ang dating import ng San Miguel na si Charles Rhodes upang maglaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas.

“Hello Coach, I want to play for you and the Philippines,” anang 2017 PBA Commissioner’s Cup Best Import.

Lumutang ang pangalan ng Beermen import na gumabay sa kanila sa unang kampeonato sa Commissioner’s Cup sa loob ng 17 taon sa gitna ng suliranin sa mga hinaharap na laban ng Gilas dahil wala pang katiyakang pagsali ni naturalized player Andray Blatche at Filipino-German Christian Standhardinger.

“Please consider, as I want to represent on and off the court,” dagdag niya.

Si Rhodes ang gumabay sa San Miguel sa ikalawang kampeonato sa ikalawang komperensiya ng SMB ngayong season upang lumapit lalo sa asam na ikalawang grandslam sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.

Lalaban ang Gilas sa darating na Nobyembre sa darating na FIBA World Cup Asian Qualifiers at kung sakali mang dinggin ng Filipinas na kagustuhan ni Rhode na ibandera ang bandila, dadaan sa mahaba-habang proseso na maaaring hindi umabot sa panahong kailangan na ng Gilas.

Gayonman, ang 32-anyos na si Rhodes ay magiging malaking tulong lalo sa depensa at rebounding ng Gilas na ininda nila sa katatapos na FIBA Asia Cup.

Samantala, sa pagewang-gewang na kampanya ng dati niyang koponan na SMB na nasa 4-4 kartada, nais umanong bumalik ni Rhodes at nakiusap kay Commissioner Chito Narvasa na palitan ang height limit sa season-ending conference upang matulungan niya ang dati niyang koponan.

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …