Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cardona nagbalik sa PBA

MATAPOS ang isang taong pagkawala, sa wakas ay nakatapak nang muli sa PBA court ang sikat na manlalarong si Mark Cardona.

Kamakalawa nga ay nagbalik na sa propesyonal na liga si Cardona para sa Globalport Batang Pier.

Bagamat nagkasya siya sa 4 puntos, isang pambihihrang pangarap na muling natupad para kay Cardona, pag-amin niya.

Ang dating PBA Finals MVP ay muntikan nang bawian ng buhay noong nakaraang taon dahil sa tangkang pagpapatiwakal ngunit bumawi, umahon at bumangon sa buhay hanggang ngayon ay nakabalik na sa itinuturing ni-yang tahanan.

Nagpapasalamat si Cardona sa lahat ng taong umakay sa kanya sa kanyang pagbabalik lalo sa nagbigay ng tila ikalawang buhay sa kanyang karera sa basketbol.

Unang naging tuntungan ni Cardona sa pagbabalik sa basketball ang PBA D-League nang kunin siya ng Zark’s Jawbreakers at buhat noon ay nagtuloy-tuloy na hanggang mag-try-out siya sa Globalport at makakuha ng kontrata sa Batang Pier hanggang matapos ang season. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …