DEADLINE ngayon ng pasahan ng requirements para sa mga Fil-foreign players na lalahok sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA), Rookie Draft sa darating na Oktubre 29.
Ayon kay PBA deputy commissioner for basketball operations, Rickie Santos na ang mga Fil-foreign aspirants ay puwedeng magpasa ng kanilang application at requirements sa league’s headquarters sa Libis, Quezon City.
“The PBA Commissioner’s Office has initially set a Sept.1 deadline for Filipino-foreign applicants but opted for an extension since the date falls on a holiday,” saad ni Santos.
Hanggang Oktubre 12, 2017 naman ang sa Local-born aspirants.
Lahat ng ng applicants ay required na sumama sa PBA Draft Combine na gaganapin sa October 23 -25.
Ang final list ng mga candidates para sa Rookie Draft ay i aanunsyo sa Oktubre 27.
Ilalarga ang Rookie Draft sa October 29 sa Robinsons Place Manila sa Ermita. (ARABELA PRINCESS DAWA)