Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon

HINDI magagawa ni Manny Pacquiao ang kanyang tangkang paghihiganti sa karibal na si Jeff Horn ngayong taon.

Ito ay matapos tumanggi ang Pambansang Kamao sa nakatakdang rematch sa 12 Nobyembre 2017 dahil sa responsibilidad bilang Senador ng Filipinas.

Ayon kay Dean Lonergan na promoter ng Australiano na si Horn, nakatakda ang 8-division world champion na maging bahagi ng delegasyon ng Filipinas sa China, dahilan upang hindi makapaghanda sa naturang laban si Pacquiao.

Bagkus, ang rematch ay magaganap umano sa susunod na taon.

Magugunitang nasilat ng 29-anyos na si Horn ang 38-anyos na si Pacquiao sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium sa Australia na dinagsa ng mahigit 50,000 katao.

Dahil sa unanimous decision na pagkatalo, naagaw kay Pacquiao ang WBO welterweight title ngunit nakasaad ang mandatory rematch sa kontra bago ang laban.

Tinitingnang kapalit ni Pacquiao sa laban kontra Horn si Jessie Vargas sa huling bahagi ng taon.

Si Vargas ay ginapi ni Pacquiao sa WBO belt noong nakaraang taon.

(JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …