HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Filipino na magkaisa kasabay nang panawagan sa mga Muslim na paigtingin ang debosyon sa mga aral ng Islam.
Sa kanyang Eid’l Adha message, sinabi ng Pangulo, sa gitna ng mga kaguluhan sa bansa, dapat manaig ang pagkakaisa upang manaig ang tunay at pangmatagalang kapayapaan.
Umaasa ang Pangulo na ang okasyon ay magsisilbing suhay para makamit ang hangarin na magtagumpay ang kabutihan laban sa mga mga elementong naghahasik ng kaguluhan at karahasan. “May this occasion invigorate you to remain steadfast in our task of ensuring triumph against elements that perpetuate discord and violence,” anang Pangulo.
Nanawagan ang Pa-ngulo sa mga mamamayan na pangunahan ang paglaganap ng pagkakaisa at kapayapaan sa kani-kanilang mga komunidad.
“Ibrahim’s admirable act of obedience to the will of Allah is a reminder to us, all of the value of sacrifice necessary in our lives. It also exemplifies the necessity to surrender personal comfort for the greater good,” aniya.
(ROSE NOVENARIO)