Saturday , November 16 2024
Peru APEC Summit

Salalima, Panelo out sa Duterte cabinet? (Conflict of interests)

DALAWANG miyembro ng gabinete ang maaaring mawala sa opisyal na pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.

Nabatid sa source sa Palasyo, may mga bulungan sa “core group” ni Pangulong Duterte na maaaring buksan ang pinto palabas ng Gabinete para kina Department of Information and Communications Technology (DICT) Rodolfo Salalima at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Si Salalima, tubong Polangui, Albay, ay dating chief legal counsel at senior advisor ng Singaporean-controlled Globe Telecoms. Habang si Panelo, tubong Naga, Camarines Sur, ay may 30 taon nang kaibigan ni Pangulong Duterte at nagsilbi niyang tagapagsalita noong 2016 presidential elections.

Napaulat kamakalawa, nakatakdang ianunsiyo ng Pangulo ano mang araw ang pagkawala sa kanyang gabinete ng dalawang opisyal dahil sa ‘conflict of interest.’

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, tumanggi si Presidential Spokesman Ernesto Abella na kompirmahin ang report ng nakaambang balasahan sa gabinete.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *