Tuesday , December 24 2024

Gold bars, ill-gotten wealth ibabalik ng Marcoses

NAKAHANDA ang pamilya Marcos na ipabusisi at ibalik sa gobyerno ang kanilang yaman na matutuklasan kung hindi talaga sa kanila, pati ang ilang “gold bars.”

“The PCGG, they’re investigating the wealth of Marcos. The Marcoses, I will not name the spokesman, sabi nila, ‘we’ll open everything and hopefully return ‘yung mga nakita lang,” ani Pangulong Rodrigo Duterte sa mass oath-taking ng mga bagong talagang opisyal ng kanyang administrasyon. Sinabi aniya ng tagapagsalita ng mga Marcos, inaasahan na malaki ang magiging deficit ng gobyerno sa pagtatapos ng taon kaya nais maitulong ang ibabalik na “gold bars” at ill-gotten wealth.

“Sabi nila na, malaki ang deficit mo sa… ‘maybe this year, ang projected deficit spending would be big,” sabi niya.

“Baka makatulong, pero hindi ito malaki. But we are ready to open and bring back,” sabi niya. Pati ‘yung few gold bars. Hindi gano’n kalaki , it’s not a Fort Knox, it’s just a few but sabi nila, isauli niya para walang ano,” dagdag ng Pangulo na tinutukoy ang sinabi sa kanya ng spokesman ng mga Marcos.

Paliwanag ng Marcos spokesman sa Pangulo, kaya itinago ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nasabing kayamanan ay upang “protektahan” ang ekonomiya ng bansa ngunit napatalsik sa poder kaya hindi na naibalik.

“I will accept the explanation, whether or not it is true, wala na e. And they are ready to return. How much they would give me an accounting? Trying to look for a guy not identified with anybody to handle the negotiation para sa kanila,” sabi ng Pangulo. Anang pangulo, posibleng isang dating chief justice ng Supreme Court, isang certified public accountant at isang kinatawan na pinagkakatiwalaan ng magkabilang panig ang nais niyang mag-usap hinggil sa alok ng mga Marcos.

Nais ni pangulong Duterte na buwagin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at magtayo ng bagong anti-graft commission na hahabol sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *