Saturday , November 16 2024

Magulang ni Kian nagpasaklolo kay Digong (Laban sa banta at para sa seguridad ng pamilya)

HUMINGI ng oras ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang mga magulang ng napaslang na si Kian delos Santos, na hinarap ng pangulo sa Malacañang Golf Clubhouse, upang hilingin ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak. (Larawan mula kay SAP Bong Go)

NAGPASAKLOLO kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang mga magulang ng 17-anyos na napatay sa isinusulong niyang drug war.

Magkasalo sa tanghalian sa Malacañang Golf Clubhouse sa Malacañang Park, ang mga magulang ni Kian delos Santos na sina Saldy at Lorenza delos Santos, at sina Pangulong Rodrigo Duterte, Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta, at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Nanawagan ang mga magulang ni Kian na tigilan na ang paggamit sa politika sa kaso ng kanilang anak dahil hindi naman sila namomolitika at ang gusto lang nila’y mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanilang supling.

Inilinaw rin nila na wala silang galit kay Pangulong Duterte.

Tiniyak ni Pangulong Duterte sa mag-asawang Delos Santos na ipagkakaloob ang hinihingi nilang seguridad para sa kanilang pamilya, lilipatang bahay at puhunan upang makapagsimula ng maliit na negosyo dahil hindi na magtatrabaho sa ibang bansa ang nanay ni Kian.

Siniguro ng Pangulo na mananaig ang hustisya sa kaso ni Kian dahil base pa lang sa CCTV footage na napanood ng Pangulo ay hindi tama ang ginawa ng mga pulis sa biktima.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mag-asawang Delos Santos sa hindi niya pagbisita sa burol ng kanilang anak dahil bilang commander-in-chief ng pulisya’t militar ay hindi magandang magtungo siya roon habang iniimbestigahan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *