TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, bibigyan ng bagong puwesto sa kanyang administrasyon si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon
Sa panayam sa Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa taguig City, sinabi ng Pangulo, pinayuhan niya si Faeldon na magpahinga muna ng ilang araw makaraan magbitiw sa puwesto at saka nila pag-uusapan ang susunod na “misyon” ng dating rebeldeng sundalo.
Tatlong beses aniyang nagsumite ng resignation letter si Faeldon at nagpumilit na tanggapin niya ang pagbibitiw upang mawala ang pagbatikos sa kanya.
“I told him to take a few days off. We will talk about his — talk about everything after that. Magpahinga ka na lang muna. The reason why it took me time, because Congress was investigating or still investigating it. So, gusto ko naman sanang hintayin na matapos para respeto rin sa tao. Pero, inuunahan man nila ng ano. Nag-resign thrice. Sabi ko, “‘Di sige, para…” Siya ‘yung kusang umalis talaga and he was insisting na, “Para mawala na ‘yung issue sa akin.” ‘Di bale. Anyway, he’s — I told him to just lay off,” anang Pangulo.
Napaulat kamakailan na nag-one-on-one meeting sina Faeldon at Pangulong Duterte sa Davao City matapos isiwalat ng outgoing Customs Commissioner ang pagkakasangkot ng anak ni Sen. Panfilo Lacson sa cement smuggling.
(ROSE NOVENARIO)