BISTADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aktibidad sa Aduana ng anak ni Sen. Panfilo Lacson at mga ‘kasosyo’ niya.
Nabatid sa source sa Palasyo, ibinigay ni outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon kay Pangulong Duterte ang report kaugnay sa mga kompanyang ‘kasosyo’ ni Panfilo “Pampi” Lacson, Jr. sa smuggling ng semento.
Isa aniya sa mga kasosyo ni Pampi ay anak ng isang personalidad na madalas masangkot sa destabilisasyon laban sa administrasyong Estrada, Arroyo at Aquino at producer din ng isang “indie film.”
Habang ang dalawa pang malapit kay Pampi ay dalawang dating opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na sinibak ni outgoing Commissioner Nicanor Faeldon.
“Mahilig mag-aktres-akresan ang lady lawyer na kadikit ni Pampi. Gusto sigurong gayahin sina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto,” anang source.
Sina Jodi at Iwa, parehong artista, ay dating mga karelasyon ni Pampi.
Nitong Biyernes, nagpulong sina Faeldon at Pangulong Duterte sa Davao City, isang araw makaraan isiwalat ng outgoing Customs chief na sangkot sa smuggling si Pampi.
Matapos ang kanilang meeting, inamin ni Faeldon sa panayam sa State of the Nation ni Jessica Soho, iniimbestigahan nila si Pampi at malaking kaso ang ikinakasa laban sa anak ng senador.
ni ROSE NOVENARIO