TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagbibikigsin niya ang bansa sa katulad na prinsipyo ng mga pambansang bayani habang pa-tuloy na nilalabanan ang kawalan ng respeto sa batas, kriminalidad at kahirapan na naging sagka upang makamit ang ganap na potensiyal.
“We will harness the same virtues as we continue to fight against lawlessness, criminality and poverty that hinder us from achieving our full potential,” anang Pangulo sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ngayon ng National Heroes Day.
Habambuhay aniya ang pasalamat ng sambayanang Filipino sa isinakripisyo ng ating mga bayani para masungkit ang tinatamasa nating demokrasya hanggang ngayon.
“We pay homage to the men and women who helped lay foundations of this nation. Their courage, leadership and wisdom paved the way for us to enjoy the blessings of freedom, independence and democracy,” aniya.
“They have dedicated their lives to ensure that future generations will have a life that is full and comfortable,” dagdag ng Pangulo.
Pangungunahan ng Pangulo ang pag-aalay ng bulaklak sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City nga-yong umaga.
(ROSE NOVENARIO)