NAGANTIMPALAAN din finally ang pagiging isang mahusay na akres ni Odette Khan. Sa tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nabigyan ng markadong papel, ito ay sa pamamagitan ng Ika-6 na Utos na idinidirehe ni Laurice Guillen.
Naka-relate si Odette sa istorya ng mga mayordoma at katulong sa tunay na buhay lalo na noong sagot-sagutin niya sina Ryza Cenon at Carmen Soriano.
Mabuti na lang malakas si Odette kay Gabby Concepcion kung hindi matagal na siyang pinalayas.
Natatandaan namin si Odette na gumanap sa isang stage play na monologue style. Karaniwang mataray na nanay ng mga bold star noong araw sa ang papel niya na sa tunay na buhay ay may isa siyang anak, si Claudette na dating nag-aartista sa Viva Films.
Ngayon ay isa ng guro si Claudette at may mga anak na.
MA at PA – Rommel Placente