Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
suicide jump hulog

Ayala alabang grade 8 student tumalon mula 3/f

NILALAPATAN ng lunas sa pagamutan ang isang Grade 8 student makaraan tumalon mula sa ikatlong palapag ng kanilang paaralan sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Nakaratay sa Asian Medical Center Hospital ang biktimang si alyas Jason, 14, nag-aaral sa De La Salle Zobel, residente sa Jose Yulo St., BF Homes, Parañaque City, na-fracture ang buto sa kaliwang paa.

Sa ulat sa Southern Police District (SPD), dakong 12:55 pm nang mangyari ang insidente sa naturang paaralan.

Sinasabing umakyat ang biktima sa railing ng ikatlong palapag ng kanilang paaralan, biglang tumalon at bu-magsak sa lobby ng Science and Technology Department.

Agad nilapatan ng lunas ang biktima ng doktor ng naturang paaralan na si Dra. Barbara Ambrosio saka inilipat sa ospital.

Ayon kay Muntinlupa City Police Senior Supt. Dante Novicio, sinabi ng ama ng biktima na si Raymond Gomez, depresyon dahil sa problema ang posibleng dahilan nang tangkang pagpapakamatay ng kanyang anak.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …