Tuesday , December 24 2024

Proteksiyon ng maralita sa anti-poor drug war isinusulong (Inter-agency vs tokhang)

ISANG inter-agency task force ang nais itatag ng isang opisyal ng administras-yong Duterte upang bigyan proteksi-yon ang mga maralita laban sa sinasabing abusadong pagpapatupad ng mga awtoridad sa anti-illegal drugs operations.

“With marching orders from President Rodrigo Duterte to crackdown on abusive policemen conducting anti-drug operations, we are taking the initiative of calling an inter-agency meeting to discuss how to protect urban poor communities from the scourge of scalawags in uniforms,” ayon kay Presidential Commission for the Urban Poor chairman Terry Ridon.

Ang pahayag ni Ridon ay bunsod ng direktiba ni Duterte na imbestigahan ang pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos, napaslang sa anti-drug operations sa Caloocan City, kamakailan.

Ani Ridon, ang pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DoJ) ay mahalaga sa mga pagsusumikap para matiyak na ang police operations sa mga pa-mayanan ng mga maralita ay alinsunod sa mga umiiral na batas.

”The President has made clear that he will not tolerate abuses perpetra-ted by the police conducting drug operations. This message is most important in urban poor communities, where the bulk of drug operations occur. We cannot allow erring policemen to go unpu-nished,” dagdag niya.

Maaari aniyang itatag ang inter-agency task force upang i-monitor at litisin ang mga abusadong pulis na sangkot sa anti-drug operations sa urban poor communities.

“The task force can receive and review complaints of police abuses conducted during drug operations, such as summary killings, planting of evidence, warrantless arrests, illegal searches and seizures,” aniya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *