GUMAGAMIT ng ‘divide and rule tactic’ sa hanay ng media ang dalawang opisyal ng Palasyo sa hangarin na matakpan ang kapalpakan sa trabaho ng media relations group.
Sa ikatlong pagkakataon ay nagkasa ng “dinner with the President” kasama ang piniling Palace reporters, sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go at Communications Undersecretary Mia Reyes-Lucas sa Malacañang Golf Clubhouse.
Nagpaunlak ng panayam si Pangulong Rodrigo Duterte sa imbitadong media na ikinagulat ng ilang Palace reporters na hindi kombidado sa naturang pagtitipon dahil bigla na lang nagkaroon ng Facebook live coverage sa PCOO page.
Sa photo release na ipinadala sa media ng Presidential Photographers Division, nakalagay sa caption na ang Malacañang Press Corps (MPC) ang nag-interview sa Pangulo ngunit ilan lang sa mga opisyal ng MPC ang kasama rito at mayorya sa kasapian ay hindi.
“Dalawang beses nang sumablay ang ‘divide and rule’ nila sa Palace media, hindi naman sila nakahakot ng positibong mga balita sa ma-yorya kahit pinaboran ang mga ‘kaibigan’ daw nilang reporters,” anang isang Palace reporter.
Unang naramdaman ng ilang mamamahayag na regular na nagko-co-ver sa Presidente, ang diskriminasyon ng pangkat ni Duterte noong 26 Hul-yo 2016 nang matapos ang kanyang unang State of the Nation Address (SONA), inimbita ng common-law wife ng Pa-ngulo na si Honeylet Avanceña ang reporters na nag-cover sa kanilang kampanya noong presidential elections.
Ikalawang pagkaka-taon ng “discrimination in the Palace” ay noong 15 Nobyembre 2016, sa kasagsagan ng pagbu-bunyag sa pagka-kasangkot ni Sen. Leila de Lima sa illegal drugs trade sa New Bilibid Pri-sons (NBP), at ilang araw bago ang biglang pagli-bing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, na ikinagulat ng publiko.
“Baka akala nina Duterte, Bong at Mia ay panahon pa rin ng kampanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanila na hindi Davao City Hall ang Palasyo,” sabi ng isa pang Palace reporter.
Si Mia ay dating reporter ng TV5 na nag-cover sa Duterte campaign noong 2016, unang itinalagang Communications Assistant Secretary at noong nakalipas na buwan ay na-promote bilang Undersecretary.
(ROSE NOVENARIO)