SINEGUNDAHAN ng National Basketball Players Association ang parangal na MVP kay Russel Westbrook nang tanghalin din siyang MVP mula sa mga boto ng manlalaro ng NBA mismo kamakalawa.
Dalawang buwan matapos pangalanang MVP para sa 2016-2017 season ng NBA mismong mga miyembro ng pahayagan ang bumoto, gayundin ang nakuhang parangal ng Oklahoma City Thunder superstar mula naman sa mga kapwa niya manlalaro.
Inianunsiyo ito ng NBPA mismo sa opisyal na twitter nilang @TheNBPA.
Ang NBPA ang unyon ng mga manlalaro sa NBA at kasalukuyang pinapamunuan ni Chris Paul ng Houston Rockets.
Ilan sa mga parangal na iginawad ang Best Rookie na si Malcolm Brogdon ng Milwaukee, Comeback Player of the Year si Joel Embiid ng Philadelphia, Best off the Bench si Lou Williams ng Los Angeles at Best Defender si Kawhi Leonard ng San Antonio.
Hardest to Guard at Best Dressed din si Westbrook habang si LeBron James naman ng Cleveland Cavaliers ang The Player You Secretly Was on Your Team at Global Impact Player. Best Homecourt ang Golden State, Coach You’d Most Like To Play For si Gregg Popovich ng Spurs.
Best Social Media Follow si Embiid at Most Influential Veteran si Vince Carter ng Sacramento Kings. (JBU)
ni John Bryan Ulanday