Wednesday , May 14 2025

Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook

UMANI ng kritisismo ang mga namamahala sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos ang pagkakamali sa bandila ng Indonesia sa ipinamahaging souvenir guidebook sa lahat ng pinuno ng miyembrong nasyon.

Imbes pula sa ibabaw at puti ang nasa ilalim, nabaliktad ang imprenta ng bandila ng Indonesia at nagmukhang Poland, bagay na ikinadesmaya ni Indonesia Olympic Committee Chairman Erick Thohir.

Kapabayaan aniya ito ng mga nag-organisa ng naturang ipinamahaging guidebook at kinakailangan umanong bawiin at palitan agad ng bagong imprenta.

Hindi ito nagustuhan ng Indonesia sa mismong pagbabahagi ng guidebook kamakalawa ng gabi sa idinaos na opening ceremony sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur dahil sa lahat ng bansa, anila ay sa kanila pa ang namali.

Nagningas ang bahagyang pagtatalo ng mga Indonesians at Malaysians sa social media.

Halos pareho ng kultura, relihiyon at lengguwahe ang dalawang magkapit-bahay na bansa.

Sampung beses nang nagkampeon sa SEA Games ang Indonesia habang isang beses pa lamang ang host ngayon na Malaysia. Huling sinungkit ng Indonesia ang kabuuang titulo noong 2011 sa Palembang at Jakarta habang ang Malaysia naman ay noong 2001 nang ganapin din ang kada-dalawang taon na patimpalak sa Kuala Lumpur, Malaysia. (JBU)

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *