Saturday , November 16 2024

Shoot-to-kill sa narco-cops (P2-M reward sa tipster); Kahit kaalyado ‘di patatawarin


DALAWANG milyong pisong pabuya ang ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sino man ang makapagbibigay ng impormasyon sa aktibidad ng pulis na sangkot sa droga.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon, P2 milyon ang patong sa ulo ng bawat narco-policeman at kapag nakompirma ang impormasyon kaugnay sa illegal activities niya ay bigla na lang ‘itutumba.’

“Kayong mga pulis nasa droga o nanlayas, ang bayad ko sa ulo ninyo P2 million. No questions asked. Hindi ako magtatanong kung sinong pumatay sa iyo. Que se joda. I want you there down dead,” anang Pangulo.

Inatasan ni Pangulong Duterte si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa na maghanda ng listahan ng narco-policemen upang masimulan na ang pagpupurga sa hanay ng pulisya.

“You know, kayong mga pulis, meron din kayong… Kaya rito, I am ordering the PNP Chief, nandito man si Bato, to order somebody there in Crame to prepare a list,” sabi ng Pangulo.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga tagasuporta niya sa politika na sabit sa illegal drugs, hindi sila absuwelto sa drug war ng kanyang administrasyon.

“E Davao, makita naman. Nakapunta na kayo lahat doon. May droga. Pero sabi ko sa ‘yo, maglaro ka doon patay ka talaga. ‘Yung p****** i** Dela Cruz na ‘yun, tagarito, taga-Davao ‘yan. Halos pamilya niyan walang ginawa kung ‘di kalokohan. O tingnan mo, umuwi, e ‘di patay. Hindi kita… Wala akong… Pero to think na ‘yang pamilya na ‘yan, puro Duterte ‘yan sa eleksiyon,” sabi ng Pangulo.

“‘Pag sinabi ko sa ‘yo, ‘pagka gano’n walang kaibigan, kaibigan sa akin. Either patayin kita or patayin mo ako, pareho lang sa akin. Basta, stop I said, playing with drugs,”giit niya.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *