Saturday , November 23 2024

SEAG Gilas, babawi para sa mga kuyang dumapa sa FIBA Asia

“IBABAWI namin ang mga kuya namin.”

Iyan ang emosyonal na kataga ng Gilas Pilipinas na patungong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia para ialay ang sariling laban sa mga nagaping kapa-tid sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa ginanap na send-off kahapon sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City na inihanda ng Gilas patron — ang Chooks-to-Go.

Ang sana’y masayang thanksgiving at send-off party na dinaluhan ng lahat ng miyembro ng Gilas sa panguguna ni Coach Jong Uichio gayondin ang Bounty Agro-Ventures Inc., President na si Ronald Masca-riñas at PBA Commissioner Chito Narvasa kasama ang ilang PBA Governors ay naging mas sinsero bunsod ng kabiguan ng isang koponan ng Filipinas kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang umalis patungong Malaysia ang Gilas ngayong umaga para sa misyon na ika-18 gold sa kada dalawang taong patimpalak sa rehiyon ng Asya na tatakbo mula 19-30 Agosto 2017.

At higit sa lahat upang maipaghiganti ang pagkatalo ng mga nakatatandang kapatid sa FIBA Asia Cup, bagay na gumulantang sa kanila at sa buong sambayanan.

Nakalasap ng mapait na 118-86 kabiguan ang Gilas Pilipinas sa kamay ng karibal na Korea sa knockout quarterfinals at tuluyan na ngang pagkakatanggal sa torneo. Magkakasya na lamang ang mga Pinoy sa ikalima hanggang ikawalong puwesto.

“‘Yung experience na ‘to (SEA Games), kailangan lang namin maisapuso. Kailangan namin ibawi ‘yung mga kuya namin. They swept the 1st round and got eliminated in the QF. That should be our motivation,” anang kapitan ng Gilas na si Kiefer Ravena.

“Their efforts (Gilas sa FIBA Asia) should not be oversha-dowed by that loss to Korea. The target on our backs get bigger. Isang beses pa lang tayo natalo rito.

And we’re eyeing for our 18th gold,” dagdag ni Ravena.

Para kay Ravena, sasapulin niya ang kanyang ika-apat na SEAG gold habang sa Filipinas naman ay ika-18 ginto sa SEAG – pinakamarami sa buong rehiyon. Isang beses pa lang natatalo ang Filipinas at ito ay noong 1989 kontra sa Malaysia.

Wagi rin ang Gilas noong 2015 sa Myanmar at dedepensahan ito ngayon na magsisimula sa sagupaan sa kontender na Thailand sa darating na linggo.

“We’re not guaranteeing anything, but we guarantee you we will do our best to bring pride to the Philippines. We’ll try our very best to bring home the gold,” pagtatapos ni Uchico.

(JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *