Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yeng Guiao
Yeng Guiao

Coach Guiao bumubuo ng piyesa

LARRY Fonacier, JR Quinahan, Kevin Alas at ngayon ay Cyrus Baguio.

Unti-unti, tila kinukompleto na ni coach Joseller “Yeng” Guiao ang nga piyesang kailangan niya upang maiporma ang championship picture para sa NLEX Road Warriors.

Sinimulan ni Fonacier ang kanyang career sa Red Bull at kahit na nakuha siya sa mga huling round ng dratt ay nagwagi siya bilang Rookie of the Year.

Siyempre si Quinahan ay tumanyag noong naglalaro siya sa Rain Or Shine at naging bahagi ng dalawang kampeonatong napanalunan ng Elasto Painters.

Kung maaalala, si Alas ay isang first round pick ng Rain Or Shine at dapat ay nagsimula kay Guiao. Pero nagkaroon ng trade sa pagitan ng Rain Or Shine at TNT Katropa kaya sa Tropang Texters siya nagsimula.

Sinimulan din ni Baguio ang kanyang career sa Red Bull bilang late pick, Hindi nga siya nakapaglaro sa first conference subalit nang mailagay siya sa line-up ay umusbong kaagad.

So, kung apat na datihang manlalaro ni Guiao ang bumalik sa kanya, kulang na lang ng isa para sa starting five.

Sino iyon?

E di si Enrico Villanueva na nagsimula rin sa Red Bull at dati ring Rookie of the Year awardee. Isipin mong kapag nabuo ang unit na ito para sa susunod na Philippine Cup ay todo na ang laban ng NLEX. Kabisado na kasi ni Guiao ang mga ito.

Kahit na ba sabihing may edad na ang mga ito, alam na ni Guiao na siya ay ilalaban nang husto.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …