NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar sa pagiging aktibong muli ng New People’s Army (NPA).
Ayon sa Pangulo, kailangan baguhin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang doktrina bilang paghahanda kontra mga rebelde.
“Be careful with the NPAs also. They are very active,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Ozamiz City kahapon.
“Sabi ko, pag-board ko kanina, sabi ko kay… ‘yung Eastern Command, you have to change ‘yung mga doctrines ninyo, change it. You must study some more,” giit ng Pangulo.
Inatasan ng Pangulo ang mga sundalo at pulis na huwag maglakad mag-isa, pairalin ang buddy system at huwag mangiming barilin kapag naramdaman na nasa panganib.
“Be careful with — lalo na armado kayo kasi naghahawak kayo ng armas. And better risk, huwag lang kayong maglabas na mag-isa. Dalawa o tatlo. Tatlo, may isang mayhawak ng M16. If you are in doubt, shoot,” dagdag niya.
Kamakalawa ay inihayag ng NPA na paiigtingin ng kanilang pangkat ang pagsusulong ng armadong pakikibaka laban sa gobyernong Duterte matapos masuspendi ang usapang pangkapayapaan sa kanilang hanay.
(ROSE NOVENARIO)