Saturday , November 16 2024

10 bus terminals ipinadlak ng MMDA

IPINADLAK ang sampung bus terminal sa kahabaan ng EDSA, Quezon City kahapon, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kaugnay sa hindi pagsunod sa panuntunan ng ahensiya at paglabag sa regulasyon ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.

Nanguna sa operasyon si MMDA Chairman Danny Lim, katuwang ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Quezon City BPLO dakong 1:30 pm.

Ang mga isinarang terminal ay kinabibilangan ng Jac Liner, Philtranco, DLTB Company, Five Star Liner, Pangasinan Cisco, Golden Bee, First Nort Luzon, Amihan Bus Lines, Lucena Lines at ES Transport terminal, pawang nasa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Ayon sa MMDA chief, ipinadlak nila ang naturang mga terminal dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad nilang “Nose In, Nose Out policy” at ordinansa ng local government unit (LGU).

Kinompirma ng opisyal, kanilang pababantayan sa mga tauhan ng ahensiya ang mga ipinadlak na terminal upang hindi muling magamit.

Kamakailan, apat na bus terminal sa EDSA, Pasay City ang ipinadlak ng MMDA dahil sa paglabag sa ipinatutupad na ordinansa at patakaran.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *