Saturday , November 16 2024

Paglobo ng HIV/AIDS sa PH isinisi ni Aiza sa gov’t

NANINIWALA si National Youth Commission (NYC) chairperson Aiza Seguerra, lolobo ang kaso ng may HIV/AIDS sa Filipinas dahil hindi ganap ang suporta ng pamahalaan para labanan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

“Kahit ano pong gawin naming seminar, kahit ano pong gawin namin na… kahit anong gawin namin, if we cannot get the full support of the government, of everyone, tataas at tataas po iyan and its continuously rising. That is why I’m asking for everyone’s support. Actually not just the government, but I am asking especially the families, the parents, since—we need your help here,” ani Seguerra sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Sa Thailand aniya ay nagtulungan ang gobyerno at pribadong sektor upang labanan ang paglaganap ng HIV/AIDS, namahagi ng condom sa college students at maging sa preschool ay itinuro kung saan ginagamit ito.

“I will be very honest with you ano. In Thailand this happened also before, but it took the whole government…not just the government but even the private sector to fix this. The condom distribution, number one, talagang mula sa college students hanggang sa preschool tinuruan po nila ang mga kabataan just to make sure that hindi sila maging awkward when we are talking about condoms. Even in gas stations, kapag nagpa-full tank ka roon, bibigyan ka nila ng box of condom,” kuwento ni Seguerra.

Ayon kay Seguerra, dahil hindi laganap ang paggamit ng condom sa bansa, nangunguna ang Filipinas sa buong Southeast Asia sa bilang ng teenage pregnancy.

“Kailangan po namin ng tulong ninyo not just for HIV but teenage pregnancy also, it’s going up we’re number 1, hindi magandang number one e. So, sana po matulungan ninyo po kami. If we continue to deny that this is happening, kung uunahin po natin iyong ating culture of sensitivity – kung uunahin po natin itong mga bagay na ito, wala pong mangyayari sa atin – patuloy po ang pagtaas ng HIV at ng teenage pregnancy. But if tayo ay magiging proactive about this, then maybe we have a chance of fixing this,” wika ni Seguerra.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *