Friday , November 15 2024
dead gun police

4 drug suspects minasaker sa drug den

APAT katao na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang pinagbabaril hanggang mapatay ng anim hindi kilalang suspek sa loob ng isang bahay sa Brgy. Old Balara, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula sa Criminal Investigation Detection Unit (CIDU), ang mga napatay ay kinilalang sina Ignacio Yutero, 40, construction worker; alyas Jenifer Taba, kapwa ng Purok 2, Area 5, Laura St., Brgy. Old Balara; alyas Loloy, at alyas Joey, parehong dayo sa lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jerome Dollente ng CIDU, dakong 11:10 pm nang mangyari ang insidente sa bahay ni Yutero.

Ayon sa ilang mga kapitbahay, nakarinig sila nang magkakasunod na putok ng baril mula sa bahay ni Yutero.

Pagkaraan, nakita nila ang anim lalaking armado ng baril na pawang naka-bonnet habang palabas ng bahay ni Yutero, at mabilis na tumakas lulan ng isang van na walang plaka.

Nang pasukin ang bahay ni Yutero, tumambad sa mga barangay tanod ang mga duguang biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *