KUNG bibigyan namin ng malalim na pananaw ang ‘labanan’ nina Marian Rivera at Heart Evangelista na puwedeng masabing walang kawawaang bagay dahil sa ‘patalbugan’ lang naman iyon ng mamahaling gamit, puwede namin silang kainisan kaysa mahalin o kainggitan.
Habang nagpapatutsadahan silang dalawa sa mga mamahaling gamit, maraming netizens ang napapailing na lamang dahil kung itutulong nila ito sa mga naghihirap nating kababayan lalo na sa Marawi, hahangaan pa sila.
Habang gamit-gamit nila ang isang kilalang brand sa pagrampa, gamit naman iyon ni KC Concepcion sa pagtulog. Kaya nga marami ang natatawa sa eksenang iyon. Kasi, ipinantutulog lang pala iyon ng anak ng Megastar. Tinalo sina Marian at Heart ni KC. ‘Yun lang.
(RONNIE CARRASCO III)