Saturday , November 16 2024

Banta ng DDS netizen sa reporter inalmahan ng PTFMS

PUMALAG si Presidential Task Force on Media Security chief Joel Egco sa pagbabanta ng isang netizen na umano’y Duterte Diehard Supporter (DDS) sa isang TV reporter sa isyu ng accreditation ng Palasyo sa bloggers para makapag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Sa post sa Facebook, nagbabala si Egco kay Guillermo Alciso na pananagutin kapag may masamang nangyari kay GMA reporter Joseph Morong.

Sa mensahe sa FB ni Alciso kay Morong at sa aniya’y ‘bias media,’ hahantingin at kapag natiyempohan ay ibubulagta sa kalye at tatakpan ng diyaryo.

“Putang ina mo Joseph Morong yabang mong putang ina mo huwag ka sanang matiyempohan todas ka kayong mga putang inang bias media huwag kang masyadong mayabang baka isang araw takpan ka ng diaryo sa kalye nakabulagta fuck you we can hunt you down fuck you,” anang mensahe ni Alciso kay Morong sa FB.

Mensahe naman ni Egco sa netizen, “Mr. Alciso, hindi porke’t maka-Duterte ka tama ang ginawa mong pagbabanta kay Joseph Morong. Maka-Duterte rin ako. Pero hindi ‘yan ang nais ng Pangulo kaya ako ay inilagay niya bilang executive director ng presd’l task force on media security. Labag sa batas ang ginawa mong pananakot at pagbabanta. Kapag may nangyari kay Joseph I will hold you accountable. This is to warn you na mali ‘yan. I will not let it pass sir.”

Nag-ugat ang usapin sa inilabas na Department Order 15 ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nagpapahintulot sa social media practitioners na may edad 18-anyos pataas at may 5,000 followers pataas na mag-apply para mapayagan mag-cover ng presidential activities nang “per event basis” at dadaan sa tatlong araw na review ang application.

Sa ginanap na press briefing sa Palasyo, inurirat ng ilang miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) ang DO 15 na hindi nagustuhan ng ilang DDS bloggers.

Ang MPC ang pangkat ng mainstream reporters na regular na nagko-cover sa mga aktibidad ng Pangulo ng Filipinas.

Dumaraan sa matinding screening ng PCOO, dating Office of the Press Secretary (OPS), ang application ng isang nais maging presidential beat reporter, gaya ng background check ng Presidential Security Group (PSG) nang halos dalawang buwan upang matiyak na hindi siya magiging banta sa seguridad sa Palasyo, partikular sa Presidente.

Ang kinabibilangang kompanya o entity ng reporter ang nagsusumite ng letter of accrediation para sa inirekomenda nitong Malacañang reporter, ibig sabihin, ito ang mananagot sakaling may gawing alingasngas ang kanilang kawani.

Bago maging miyembro ng MPC ang isang presidential beat reporter, dapat ay anim buwan siyang regular ang presensiya sa Palasyo at sa mga aktibidad ng Pangulo.

Ang accreditation ay ibinibigay sa reporter mula sa mainstream media o sa mga pahayagan na may daily at nationwide circulation, TV networks, radio at online news site na regular na nag-a-update ng kanilang mga balita.

Daily basis lang ibinibigay sa media ng tanggapan ni PCOO Undersecretary Mia Reyes ang schedule ng Pangulo kaya may mga nagtataka kung paano mabibigyan ng per event accreditation ang isang blogger na isasailalim sa tatlong araw na review ang application. Ang PCOO accreditation ng social media bloggers ay proyekto ni Assistant Secretary Mocha Uson.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *