Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beteranang aktres, nanggigising ng mga co-star sa dis-oras ng gabi para makipag-throw lines

INIIWASAN na palang sagutin ng kanyang mga co-star ang tawag ng isangbeteranang aktres lalo’t kung dis-oras ng gabi.

At bakit? Ayon sa tsika, magugulat na lang daw ang mga co-star niya sa palaging bungad nito sa kanila sa telepono, ”Anak, hindi kasi ako makatulog, eh. Mag-throw lines tayo para ‘pag taping naMnatin bukas, eh, memoryado na natin ang mga linya natin. Siguradong matutuwa si direk niyan!”

Noong una raw, para hindi na lang mapahiya ang aktres ay sinasakyan na lang ng mga co-star niya ang kanyang “trip.”

Pero dumating na raw sila sa point na kahit ring ng ring ang kanilang cellphone ay deadma na sila sa tawag ng hitad.



Kinabukasan na lang sasabihin ng mga ito ang dahilan kung bakit hindi nila nasagot ang tawag ng aktres, ”Ah, eh, tita, pasensiya na po kayo. Pagod na pagod po kasi ako pagdating ng bahay, nakatulog po ako agad.”

Pero ang totoo’y gising na gising pa raw ang mga ito, na umiiwas na lang makipag-throw lines sa beteranang aktres na itago na lang natin sa alyas na Regina Paredes.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …