Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead prison

Tulak tigbak sa buy-bust 3 pa tiklo

SAN LUIS, Pampanga – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng San Luis Police Anti-Drugs Special Operation Task Group sa buy-bust operation sa bayan ng San Luis.

Nabatid sa ulat ni Chief Insp. Jose Charlmar Gundaya, hepe ng San Luis Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Joel R. Consulta, acting Pampanga Provincial Police director, hindi umabot nang buhay sa San Luis Disrict Hospital ang suspek na si Clemente Talantor, alyas Bakla, 45, residente sa Solivan, Baliuag, Bulacan.

Samantala, arestado sa nasabing operasyon ang iba pang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na sina Ramil Medina, 47; Mike Marcel Fulgar, alyas Mickey, 24; at Randy Garcia, 38, pawang ng nasabing lugar.

Ayon kay Gundaya, nakatangap sila ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspek na kumukuha ng supply sa Baliuag.

Agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad ngunit lumaban si Talantor sa mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkamatay, habang inaresto ang tatlo pang mga suspek. (L. AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …