Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake Cuenca, binigyan ng bagong bihis si Lizardo

MARAMI ang namangha sa bagong mukha at hitsura ni Lizardo, ang kalabang mortal ni Flavio sa Ang Panday, entry ng CCM Creative Productions Inc., sa 2017 Metro Manila Film Festival at ididirehe ni Coco Martin.

Gagampanan ni Jake Cuenca ang karakter ni Lizardo sa Ang Panday. At sa retratong ibinahagi sa amin ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment, natuwa kami sa bagong bihis ni Lizardo. Modern Lizardo kung aming tawagin.

Ayon kay EJ, nagsimula nang mag-shoot si Jake noong Biyernes.

Maging sa Instagram account ni Jake, ibinahagi rin niya ang pagsisimula ng kanyang pagsabak sa Ang Panday at ang bagong hitsura ni Lizardo.



Sa caption, inilagay ni Jake na, @juancarloscuenca, “Pure evil… First day of filming for #angpanday . My army of darkness and I say hello. #lizardo.”

Ani Jake, handa na siyang maka-showdown sa matinding bakbakan ang bida ng pelikula na si Coco na tiyak pahihirapan ng kanyang karakter.

Bago ang shooting, nagpasalamat si Jake na napasama siya sa Ang Panday. Aniya, hindi may magandang resulta ang hindi niya pagpapagupit ng buhok.

Sa isang panayam sa kanya ng abscbn.news.com, pinasalamatan din niya ang pambihirang pagkakataon na makakatrabaho ang iba pang malalaking artista.

Si Lizardo ay unang ginampanan ng beteranong kontrabidang si Max Alvarado sa orihinal na pelikula ni Fernando Poe Jr. at pagkaraan ay ginamapnan naman ni Phillip Salvador (2009) sa pelikula ni Ramon ‘Bong’ Revilla Jr..

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …