Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Konsehal ng Pasay patay (Sa ikalawang ambush)

SA pangalawang pagtatangka sa kanyang buhay, tuluyang binawian ng buhay ang isang konsehal ng Pasay City, at presidente ng Liga ng mga Barangay, makaraan paputukan ng isang suspek habang sakay ng kanyang wheelchair sa harap ng entrance ng SM Southmall sa Las Piñas City, nitong Sabado ng gabi.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Asian Hospital & Medical Center ang biktimang si Borbie Rivera y Salazar, 39, residente sa 355 Protacio, Brgy.112 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nakaganti ng mga putok ang mga bodyguard ni Rivera sa suspek ngunit nakatakas nang sumakay sa isang Fortuner, habang ang isa pang suspek ay sakay ng isang motorsiklo.

Inaalam ng mga awtoridad kung nahagip ng mga CCTV camera ang plaka ng naturang sasakyan at ang motorsiklo sa pinangyarihan ng insidente upang matukoy ang pagkaka-kilanlan ng mga suspek.

Base sa ulat na ipinarating kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., pinagbabaril ang konsehal sa harapan ng door no. 4 ng SM Southmall, sa Brgy. Almanza, Las Piñas City, sa kasagsagan ng sale ng mall dakong 8:30 pm

Dahil sa insidente, nagkaroon ng komosyon sa mall kaya’t pansamantalang sinuspendi ang operasyon nito, ngunit dakong 9:00 pm ay muling ibinalik sa normal ang operasyon makaraan imbestigahan ang insidente.

Napakaraming mamimili sa naturang mall dahil sa tatlong araw na bagsak presyo ng mga produkto nito.

“SM Southmall shooting is not robbery hold-up or terrorism. It’s purely crime of murder,” pahayag ni SPD Dir. Apolinario.

Ayon kay SPD Dir. Apolinario, magsasagawa ng joint investigation ang SPD at Las Piñas City Police sa ilalim ni chief of police, Sr. Supt. Marlon Balonglong.

Sinabi ni Apolinario, inaalam ng awtoridad kung kabilang si Rivera sa tinaguriang “narco-politician” at pinag-aaralan ang kanyang records at ang aniya’y sanhi ng pagkabilanggo ng biktima sa Makati City Jail, dalawa hanggang tatlong taon na ang nakalipas.

Matatandaan, hindi ito ang unang beses na tinambangan ang konsehal. Kalalabas lamang niya sa isang bar dakong 4:00 am noong 23 Hunyo 2017 nang pagbabarilin siya ng dalawang armadong lalaking nakamaskara at magkaangkas sa motorsiklo, na malubha niyang ikinasugat at ng isa niyang bodyguard, sa Harap ng Titans Z Club, sa Macapagal Boulevard malapit sa GSIS Complex sa Pasay City.

Kagagaling lang ng konsehal sa naturang club kasama sina Jomer Ruiz at Cyril De Gracia Arce, para sa isang pulong ng mga opisyal ng barangay, at sumakay siya at ang kanyang bodyguard sa puting Land Cruiser (NQH 896), nang paulanan ng bala ng armalite at kalibre. 45 baril ng mga suspek.

Naisugod agad sa San Juan De Dios Hospital ang biktima at ang kanyang bodyguard at nakaligtas sa naturang pamamaril.

Hinuli noong 16 Abril 2015 ng District Special Operations at Anti-Car Theft Units ng SPD sa pamumuno ni Supt. Lorenzo Trajano, si Konsehal Rivera na sakay noon ng gray Ford Mustang GT, sa Magallanes Interchange Makati City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 59 Judge Winlove Dumayas, dahil sa kasong murder.

Nakuha sa loob ng kanyang sasakyan ang ilang kalibre ng baril at mga bala.

Noong 24 Enero 2015, nasangkot si Rivera sa isang pamamaril sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng siyam iba pa.

Sinasabing si Rivera ay kaalyado sa politika ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …