Thursday , August 21 2025

20,000 tropa ng AFP itatapat kontra ISIS

ITATAPAT ng Palasyo sa mga terorista sa Mindanao ang inihihirit sa Kongreso na dagdag budget para sa 20,000 tropa ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang dagdag na 20,000 tropa ay bahagi nang pinaigting na posturang panseguridad upang bantayan ang mga lugar sa Filipinas, na patuloy na nahaharap sa banta sa seguridad.

“The request of the Pre-sident for additional 20,000 troops is part of our intensified security posture to guard areas in the country where there are continuing security threats,” ani Abella.

Giit ni Abella, ang pagpapakalat ng mga tropa sa Marawi at iba pang parte ng Mindanao ay upang mabalanse at masiguro ang todong epekto.

“The deployment of troops to Marawi and other points in Mindanao needs to be rebalanced to ensure maximum effectiveness,” dagdag ni Abella.

Sa pulong kasama ang mga mambabatas kamakailan, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga intelligence information hinggil sa mga bagong banta ng teroristang grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Mindanao.

Nasa ika-74 araw na ang bakbakan sa Marawi City at 523 local terrorists, 122 tropa ng pamahalaan at 45 sibilyan ang napatay, ayon sa datos ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Umabot sa 602 armas ang nabawi ng militar, habang nananatili sa evacuation centers ang libo-libong residenteng napilitang lumikas upang hindi madamay sa bakbakan.

Sa kasalukuyan ay ikinakasa na ng Task Force Bangon Marawi ang rekons-truksiyon at rehabilitasyon ng siyudad.

Pinaniniwalaang nasa siyudad pa rin ang itinuturing na ISIS Emir sa Southeast ASia na si Abu Sayyaf Group leader Isinilon Hapilon kasama ang 300 bihag sa tunnel sa isang mosque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *