OBVIOUS naman na may relasyon na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Halatang-halata sa mga kilos nila kapag magkasama sila na in-love sa isa’t isa.
Noong i-celebrate ni Barbie ang birthday niya sa Sunday Pinasaya noong Linggo, kilig na kilig siya dahil isa sa naging bisita niya si Jak. At nang tanungin siya ni Alden Richards, isa sa hosts ng show, kung ano ang birthday wish niya, ang bumubingisngis na sabi niya, sana ay magtagal.
Hindi niya na nilinaw kung ano ‘yung magtagal, pero halata naman na ang ibig niyang sabihin ay magtagal ang relasyon nila ni Jak.
Ano ba ang pumipigil kay Barbie na aminin na may relasyon na sila ni Jak?
MA at PA – Rommel Placente