Saturday , November 16 2024

4 motorcycle riders sumemplang, sugatan (Graba nagkalat sa kalsada)

NAGDULOT ng trapik ang tumagilid na container van na may Plaka PUL-662 sa harap ng Arellano Universty Legarda St. Sampaloc Manila ng madaling araw kung saan mabilis namang naayos ng Manila Traffic Management Bureau (MTPB) at MMDA ang trapik na naging dulot ng nasabing aksidente.( BONG SON )
APAT katao ang sugatan makaraan sumemplang habang minamaneho ang kani-kanilang motorsiklo dahil sa nagkalat na graba sa kalsada sa Roxas Boulevard, Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang sina Raymond Canalda, 32; Rannie Guevara, 19; Abdul Mohammad, Jr., 32, at Joel Graciano, 27, pawang motorcycle rider.

Sa imbestigasyon ng Pasay City Traffic Bureau, dakong 12:00 am nang mangyari ang insidente sa Roxas Boulevard northbound.

Galing ang apat rider sa Cavite at patungo sa Maynila habang sinusundan ang isang kotse at apat na dump truck.

Ngunit bumukas ang pinto ng isa sa mga dump truck at tumapon sa kalsada ang kargang mga graba na may halong malalaking bato.

Bunsod nito, sumemplang ang apat motorsiklo naging dahilan ng pagkakasugat ng mga biktima.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *