Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DAD: Durugin Ang Droga, advocacy film ni Dinky Doo

BAGONG theme sa bawal na gamot.

Ipinarinig sa amin ni direk Dinky Doo ang kantang Bagong Ako. Ito ang theme song ng pelikula na ii-introduce ang Star Music artist na si LA Santos, sa DAD: Durugin Ang Droga at acting debut din ng Soul Siren na si Nina.

Hindi naman kaila na sa isang madilim na bahagi ng buhay ni direk Dinky eh, nakaulayaw din niya ang droga. Kaya nga maraming istorya ang makikita sa kanilang pelikula.

Kaya naman ang serbisyo ng mahusay na songwriter na si Vehnee Saturno ang humabi ng liriko at musika ng kanyang theme song.

Kung ang Bawal na Gamot ni Willie Garte ang itinuturing na national anthem tungkol sa bawal na gamot, sa bagong kantang ginawa ni Vehnee para sa DAD eh, may bagong kantang kukurot sa puso ng mga music lover.

Ang DAD ay mapapanood na sa Setyembre 13, sa inyong paboritong mga sinehan na pinagbibidahan nina Allen Dizon, Jeric Raval, Alma Concepcion, Jackie Aquino, Efren Reyes, Sharmaine Suarez, Natasha Ledesma, Rey ‘PJ’ Abellana, Jeffrey Santos, at Renan Ponce Morales.

Ayon kay direk Dinky, isang advocacy film ang DAD na naglalayong makatulong at magbukas ng isip sa mas marami pang taong lulong dito, lalo na sa mga kabataan. Nagsimula ng mag-ikot sa iba’t ibang paaralan all over the country ang pelikula, pati na sa mga rehab center na, more than the material and the physical help, ang spiritual gift ang ibinabahagi nila sa mga naroroon.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …