Monday , December 23 2024
gun QC

2 hired killer, 2 holdaper patay sa QCPD

APAT katao, kinabibilangan ng dalawang holdapar, at dalawang hinihinalang hired killer, ang napatay makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) – District Special Operation Unit (DSOU) sa magkahiwalay na insidente sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng napatay na mga suspek.

Ang unang insidente ay naganap dakong 1:30 am sa Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City. Napatay ang dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo nang makipagbarilan sa mga operatiba ng DSOU makaraan holdapin ang biktimang si Ernesto Plaza.

Ayon sa ulat, hinihintay ni Plaza ang kanyang kaibigan malapit sa BPI sa Holy Spirit Drive nang holdapin siya ng mga suspek.

Nagkataon na may nagpapatrolyang pulis ng DSOU sa lugar at namataan ang insidente.

Nang lapitan ng mga pulis ang dalawang suspek, pinaputukan sila dahilan para gumanti na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang holdaper.

Samantala, dakong 4:00 am nang maka-enkuwentro ng mga operatiba ng DSOU ang dalawang hinihinalang hired killer sa San Miguel St., Brgy. Payatas, ng naturang lungsod.

Nagsasagawa ng surveillance ang DSOU sa lugar laban sa isang wanted na may pending warrant of arrest, nang makarinig sila ng putok ng baril sa ‘di kalayuan.

Agad tinunton ng mga pulis ang pinanggalingan ng putok at pagkaraan, namataan ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Nang papalapit ang mga pulis, pinaputukan sila ng mga suspek dahilan para gumanti ang tropa ng DSOU, nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Narekober mula sa suspek ang dalawang kalibre .45, isang plastic sachet ng shabu, isang papel na “target list” na may nakasulat na siyamna pangalan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *