Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bus terminal ipinasara ng MMDA

IPINASARA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang bus terminal sa EDSA, Pasay City at limang provincial buses ang ini-impound kahapon.

Sa pamumuno ni MMDA Chairman Danilo Lim, sa tulong ng mga miyembro ng Pasay City’s Business Permits and Licensing Office, isinara ang terminal ng Bragais at Pamar, gayondin ang terminal ng Saint Jude at San Rafael.

Nabatid na walang business permit ang terminal at nagbabahagian lamang ng garahe, na isa aniyang paglabag sa standard policy na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Prior to closure, we have given them sufficient time to comply with the regulations but to no avail,” ayon kay MMDA Chief Lim.

Kinompirma ni Pasay City City administrator Dennis Acorda, na paso na ang permit ng nabanggit na mga terminal.

Sa isinagawang operasyon, natuklasan ni Lim, na ang ilang provincial buses ay nagbababa at nagsasakay lamang ng pasahero sa Southwest Integrated Provincial Terminal (SWIPT) sa HK Sun Plaza, Roxas Boulevard, Pasay City.

Habang ang Don Aldrin buses ay gumagarahe sa terminal ng Smart Bus sa EDSA, Pasay City.

“A dialogue was held last month where bus companies agreed that they would utilize the SWIPT starting August 1,” pahayag ni Lim.

Inatasan ni Lim ang kanyang mga tauhan, na i-impound ang limang bus ng Don Aldrin Transport na bumibiyahe ng Cavite dahil “out of line.” (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …