Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Young actress, feeling GF ng guwapong miyembro ng banda

SA umpukan ng press na kasama naming nagbabakasyon sa Bangkok ay pinag-uusapan ang isang young actress. Tatlo ang isyu na naungkat sa kanya.

Una, lagi raw kasama ang isang guwapong miyembro ng banda kahit magpa-salon. Hindi pa naman sila umaamin pero madalas silang magkasama.

Iniintriga pa na kahit si boy ang pupunta sa salon ay bumubuntot diumano si young actress.

Pero, how true na minaldita niya at pinagselosan ang isang gay reporter/ radio anchor nang bumeso at yumakap ang boy sa movie reporter nang makita niya ito sa salon?

Kitang-kita sa salamin ang reaksiyon ng young actress na umismid at tumaas ang kilay?

Nag-agree naman ang isang movie writer sa kamalditahan ng young actress. Nagagalit daw ang ilang fans dito dahil sinusupladahan niya at sinasarhan ng pintuan sa kanyang dressing room noong mag-concert.

Pero natawa kami sa kuwento naman ng isa pang reporter. Hindi siya makapaniwala ganoon pala ang hitsura ng young actress ‘pag walang make-up. Isinalarawan niyang short hair, may eyebag, mataba, maliit, at parang luwa ang mata. Ordinaryong-ordinaryo ang hitsura.

Pero ang young actress na ito ay marunong umarte kaya hindi nawawalan ng teleserye.

(Roldan Castro)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …