MAGALING sa psychological warfare ang liderato ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año.
Ito ang puna ng ilang political observer nang imbes magalit ay inimbitahan ng AFP ang komedyanteng si Mae Paner alyas Juana Change, na nag-trending sa social media nang magsuot ng battledress uniform ng sundalo sa paglahok sa anti-Duterte rally noong Lunes.
Sa kalatas na binasa ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi niya, hindi na kakasuhan ng AFP si Paner sa hindi awtorisadong pagsusuot ng military uniform.
Sa pag-aaral aniya ng AFP, ginawa ito ni Paner bilang isang artist at kinikilalang komedyante u-pang maghatid ng mensahe at hindi para ga-wing katatawanan ang AFP uniform.
Nanawagan aniya ang AFP kay Paner at mga indibiduwal na hindi awtorisadong magsuot ng uniporme na huwag nang ulitin ito dahil ginagamit ng militar ang kanilang uniporme sa pa-kikipagbakbakan sa larangan upang ipagtanggol ang bayan at mga mamamayan.
Itinuturing aniya ng militar na sagrado ang kanilang uniporme at suot pa nga ito hanggang kamatayan sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng estado.
“She and the others must understand that the particular uniform she wore is the battledress attire of our Armed Forces. It is the same uniform our soldiers wear whenever we go to battle, and the same uniform many of our heroes die wearing in the battlefield, and in the defense of the motherland and our people. This is the very reason we hold this particular uniform very sacred,” ani Padilla.
Kung ang nais aniya ni Paner ay ipakita ang sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalo at tumulong sa pag-recruit sa mas maraming patriyotikong Filipino na umanib sa AFP, bukas aniya ang militar na mapabilang ang komedyante sa kanilang hanay bilang reservist at ipagpatuloy ang pagiging kaagapay tungo sa pagbabago ng AFP.
“It is her desire — if it is her desire to extol the sacrifice, gallantry, and dedication to duty of all our soldiers and help recruit more patriotic Filipinos to the Armed Forces, your Armed Forces is open to have Ms. Paner among the ranks of our patriotic reservist who, without hesitation, continue to be among our most ardent partners for change,” ani Padilla.
“At ipinapaabot po namin again ang aming taos-pusong imbitasyon kay Ms. Paner na kung nais niyang magpatawa at pasayahin ang ating mga sundalo, puwede po siyang maging kabahagi ng ating mga nagbo-vo-lunteer na mga artista u-pang ma-entertain ang ating mga sundalo sa ospital, even sa battlefield, at maging miyembro ng reservist natin. Para nang sa ganoon, authorized na po siyang magsuot ng uniporme anong klase man ito,” dagdag ng he-neral.
(ROSE NOVENARIO)