INIIDOLO ng mga kabataang bakwit mula sa Marawi City ang Maute/ISIS dahil sa teroristang grupo kumukuha ng kabuhayan ang kanilang pamilya.
Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Wiliam Ramirez, chairman ng Philippine Sports Commission (PSC), naglunsad sila ng sportsfest sa evacuation center sa Iligan City at nagulat sila nang marinig sa mga bata ang mga papuri sa ISIS.
Ipinabatid ni Ramirez sa mga miyembro ng gabinete ang nakababahalang tila pagkalason ng isip ng mga kabataang bakwit.
Nauna nang ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakapagpalakas ng puwersa ang Maute/ ISIS sa Marawi dahil namumudmod ng drug money sa mga residente.
ni ROSE NOVENARIO