Tuesday , December 24 2024

Shoot-to-Kill sa Kadamay (Occupy pabahay kapag inulit) — Duterte

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipababaril sa mga awtoridad ang mga maralitang militante kapag inulit ang pang-aagaw ng pabahay.

“Huwag ninyong gamitin ‘yang pagka-pobre ninyo to create chaos,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa Palasyo kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng Pangulo, hindi niya papayagan na ulitin ng mga miyembro ng militanteng grupong Kadamay ang pag-agaw sa ibang proyektong pabahay ng pamahalaan.

“Kung uulitin ninyo iyan at pipilitin ninyong papasok, ang order ko talaga, paalisin kayo sa puwersa. Either batutain kayo o ‘pag lumaban kayo, ipagbabaril ko kayo,” aniya.

Anang Pangulo, hindi siya mangingiming magpalibing ng libo-libong aktibista kapag iginiit ng Kadamay ang anarkiya.

“May project ngayon, gusto na naman nilang kunin. Do not commit that mistake. Here and now, I will tell you, including the Congress of the Republic of the Philippines: You do anarchy, I will order the soldiers and the police to shoot. Even if I have to bury thousand of Filipinos. Huwag ninyo akong ganonin,” anang Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, walang pinipili ang pagpapatupad ng batas, sa mayayaman, at maging sa mga gumagawa ng gulo.

Hinamon niya ang mga militante na mag-lunsad ng rally o kahit tumira na sa kalsada hanggang anim na buwan

“Let us understand this beginning today, either we have laws in this country or we do not. We enforce the laws against the miners and the rich, but I will also enforce laws against anarchy, disturbance, and create trouble. Kayo rin, natatakot din e,” dagdag niya.

“Takutin ninyo ako na occupy the streets? Anak ng jueteng. You stay there, you ask for two days, I will give you six months. Huwag kayong umalis diyan. Kainin ninyo pati ‘yung dumi ninyo diyan,” aniya.

Nagalit ang Pangulo sa maka-kaliwang grupo nang tambangan ng New People’s Army (NPA) ang mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) kamakailan sa Arakan, North Cotabato kaya nagpasya na kanselahin ang backchannel talks sa mga lider-komunista.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *