Saturday , November 16 2024

Kapalaran ng PH sa 5 taon tampok sa SONA ni Duterte

ILILITANYA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa halos isang oras na 15-pahinang State of the Nation Address (SONA) ngayon ang magiging kapalaran ng Filipinas sa susunod na limang taon.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, punong-puno ng pag-asa ang ikalawang SONA ng Pangulo at dapat itong tutukan ng mga mamamayan, lalo ng mahihirap dahil ilalahad ng Punong Ehekutibo kung saan niya dadalhin ang bansa sa limang taon ng kanyang administrasyon.

“May sinabi si Presidente na dadalhin natin dito sa area na ito, sa field na ito ng ating bansa. Ikaw estudyante alam mo kung anong gagawin mo sa college ‘di ba? E ilang taon na kayong college, three years, four years ‘di ba? So by the time na matapos na, alam mo kung anong trabaho ang mapapasukan mo kasi alam mong doon dinala ni Presidente iyong ekonomiya natin. Halimbawa iyong mga negosyo ganoon din. So, mahalaga na malaman — lalong-lalo na iyong mga kababayan nating mahihirap. They will really wait, you really have to listen to what the President were saying. Sapagka’t iyan punong-puno po ng pag-asa itong bansa natin,” aniya.

Bagama’t ayaw tukuyin ni Andanar ang laman ng SONA, ipinahiwatig niya na maaaring kasama rito ang maiinit na usa-pin sa bansa gaya ng pag-atake ng Maute/ISIS terrorist group sa Marawi City at pagbabalik ng o-perasyon ng illegal drugs sa New Bilibid Prison (NBP).



“Tingnan natin. Pero these are the burning issues, burning issues nga-yon iyan. Nandiyan iyong Marawi, resurgence ng droga rito sa NBP, sa National Bilibid Prisons. Of course, marami pang iba, Fernan. Marami pa tayong mga—SONA iyan e, so lahat ng mga departamento, lahat ng mga request for

sa isip, sa tingin ng Pangulo na isama sa SONA ay mababasa,” sabi ni Andanar.

Nakakasa na aniya ang translators na magsasalin sa English sa ina-asahang ad lib sa Filipino at Bisaya ng Pangulo, sa headset na ipagagamit sa mga dayuhang bisita sa Kongreso.

Simpleng barong aniya ang gagamitin ng Pangulo at nagpatahi ng espesyal para sa okasyon kaya maging ang mga miyembro ng gabinete ay ordinaryong Filipiniana inspired din ang isusuot.

Sa kanyang unang SONA ay nanawagan ang Palasyo sa mga dadalo na huwag gawin mistulang Oscars awards night ang okasyon na naging tradis-yon na magagarang damit, sapatos at bag ang gamit ng mga mambabatas at iba pang opisyal ng gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

Kasunod ng NPA attacks
SEGURIDAD
SA SONA HINIGPITAN

HINIGPITAN ng pulisya at militar ang seguridad para sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng mga pag-atake ng rebeldeng komunista, ayon sa pulisya kahapon.

Ipinabatid na ng mga awtoridad ang security protocol sa activist groups na magpoprotesta sa SONA, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

“Nakiusap din po tayo na on their ranks, kailangan po nilang bantayan kasi baka malusutan tayo,” pahayag ni Albayalde.

“Alam naman po natin ngayon na nagkaproblema sa peace talks at may problema tayo sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Phi-lippines-New People’s Army-National Democratic Front) kaya kaila-ngan po talagang mahigpit ang pagbabantay natin sa kanilang hanay.”



Gayonman, inilinaw ni Albayalde, na walang na-monitor na ano mang banta sa SONA ang intelligence units.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte, nagpasya siyang abandonahin ang peace negotiations sa NDF makaraan atakehin ng mga NPA ang mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan.

Bunsod nito, 6,300 pulis at 300 sundalo ang ini-deploy para sa seguridad ng SONA, mahigit pa sa 4,000 strong contingent nitong nakaraang taon, ayon kay Albayalde.

Gayonman, pahihintulutan ang mga kritiko ng administrasyon na maglunsad ng protesta.

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *